Bakit kaya kahit gano kaganda, kasarap kausap at kaseryoso ng isang babae hindi pa din na-aappreciate ng mga lalake sa paligid niya kung gaano ka special niyang girl? Kahit naman hindi siya maganda masyado tulad ni Anne Curtis may natatangi pa din siyang kagandahan na nakatago at naghihintay lang na madiscover ng isang lalake na magpapahalaga sakanya. Ang nakakalungkot kasi kung sino pa ang napaka-positibo ang tinggen sa love yun pa ang naloloko, kaya madalas naiiba yung pananaw sa love eh. KAYA NAGIGING BITTER, at NAGHIHIGANTI. Sobrang nakakapanghinayang lang yung mga panahon na sana nagmamahal at sumasaya ang isang babae, kesa saktan at ubusin lang ang lakas sa pagmumukmok sa kwarto at mangarap ng isang relasyon na hindi puro panloloko at problema ang idinudulot.
Simple lang naman ang gusto naming mga babae eh, at yun yung mahalin kami pabalik, ingatan, huwag lokohin at huwag gawing number 2. 3. 4. o 5…. Gusto namin “AKO LANG”. At kung gawin nyo man yan hindi naman masasayang yung effort nyo eh. Katunayan nga baka maisip nyo na mas masaya ang makuntento sa isa kesa manakit ng nakakarami.
No comments:
Post a Comment